Monday, April 06, 2009

Kelangan ko ng Pera!

Nakaka-asar! ang tanging bagay na nagdudulot sa akin ng kaka unting ligaya ay may sira. Di ko alam kung paano nangyari o ano ang sanhi, pero kelangan ko ipa-ayos. Worst case scenario: 8 thousand ang kelangan ko gastusin para mapa-ayos ang aking d40. Napaka-laking halaga sa napaka-liit na deperensya, pero hindi pwedeng di ko ipa-ayos (gasgas na low pass filter, ma-ingat naman ako maglinis, di ko lang talaga alam kung paano nangyari). Sa ganung halaga mag-uupgrade na lang ako ng camera, pero wala akong pera! Baon pa ko sa utang sa credit card, di ko na nga tinitingnan ang balance ko, basta bayad na lang ako tuwing katapusan ng buwan. May pera akong nasa bangko, joint dollar account naming 3 magkakapatid na naka time deposit, pero ayaw sa akin ipagalaw.

Maliban sa trabaho ko, dalawa ang iba ko pang source ng kaperahan, pero 1 lang dun ang tunay na kumikita. Di malaki ang sweldo ko (wala pang 18k), nagugulat nga ako kung paano ako nakakaraos. Humingi na ako ng increase sa sweldo ko two weeks ago, pinayagan na ng Exec. Dir. pero baka harangin ng finance. Mag-resign na lang kaya ako at mag trabaho sa call center? Siguradong mas malaki ang kikitain ko pero hindi ko gusto ang ganung klaseng trabaho.

Last option ko ay i-pursue ang refund ng CAP scholarship ko na hindi ko nagamit dahil sa UP ako nag-aral (malaki kasi ang malulugi ko kung ginamit ko ung CAP sa pagbayad ng tuition sa UP). Pero baka abutin ako ng siyam-siyam dun.

Naisip ko tuloy na ibenta na muna ang tamron at sb600 ko at maghanap ng kahit 2nd hand na d80, sino gusto bumili ng tamron 28-75 na lumangoy sa pinatubo at sb600 na pinalitan ang lower half ng bago? Mang holdap kaya ako ng bangko? Kelan kaya ako tatama sa lotto? Pa-utangin kaya ako ng nanay ko ng 60 thousand?

Grabe, nakaka frustrate, dama ko na ang economic crisis

0 comments: