di ko alam kung ano sasabihin
di alam sunod na gagawin
di ko alam paano ipapaliwanag
at kung paano pigilan ang pagkabagabag
di ko alam san ako pupunta
o kung ako'y babangon pa
di ko alam paano tiisin ang sakit
di alam sagot sa tanong na bakit
di ko alam paano magiging masaya
kapag naisip kita sa piling ng iba
di ko alam kung paano ngingiti
kung ang bawat minuto'y puno ng hapdi
di ko alam kung paano magpapatuloy
parang ilog na pinigil ang daloy
di ko alam san hahanap ng lakas
para gumising at harapin ang bukas
di ko na alam, ayaw ko muna malalam
Saturday, June 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment